Ang Mga Prinsipyo ng CitizenGO Foundation
Ang CitizenGO ay isang Spanish Foundation na may registration number 1582, at nabuo mula sa karanasan at pagkakaibigan ng isang grupo na layong maglingkod sa lipunan sa pamamagitan ng pagsulong sa dignidad ng tao at ang pagtiyak na ang mga karapatang nito ay iginagalang sa lahat ng aspeto.
Mula sa isang Kristiyanong pananaw, nais naming maging kasangkapan upang makilahok tayo sa pagpapabuti ng ating lipunan.
Naniniwala kami na ang tao ay isang rasyonal na nilalang (matalino), malaya (responsable sa kanyang mga aksyon), moral (may kakayahang mag-distinguish ng mabuti mula sa masama), at nilikha sa larawan ng Diyos. Sa gayon, ang tao ay nakahihigit sa iba pang mga nilalang – dahil ito ay may halaga at pagpapahalaga sa kanyang sarili.
Kinikilala at hinihiling namin ang paggalang sa dignidad ng tao at sa mga karapatang nagmula sa dignidad na ito:
Karapatan sa buhay at pangangalaga nito mula sa "conception" hanggang sa "natural end".
Karapatan sa integridad, kaligtasan, at kalusugan.
Karapatan ng bawat indibidwal, kasama ang paggalang sa konsensya at reputasyon.
Karapatan na mag-isip, kumilos, o umiwas ayon sa sariling konsensya.
Karapatan sa edukasyon.
Karapatan sa kalayaan ng impormasyon.
Karapatan na magtipon at sumali sa mga asosasyon.
Karapatan sa kalayaan ng relihiyon at parangalan ang Diyos sa parehong pribado at pampublikong espasyo, sa indibidwal, at sa pangkalahatan, ayon sa sariling konsensya.
Karapatan sa pag-aasawa at sa paninindigang ang unyon ay sa pagitan lamang ng lalaki at isang babae, at karapatan sa edukasyon ng mga anak.
Karapatan sa trabaho, sa pang-ekonomiyang inisyatiba, at sa pagmamay-ari ng pribadong ari-arian.
Karapatan sa aktibong pakikilahok sa pampublikong buhay at sa legal na proteksyon ng Estado.
Ang bawat isa sa mga karapatang ito ay bumubuo ng mga kaugnay na responsibilidad.
Ang tao ay "social by nature" at nangangailangan ng iba upang mag-develop at maabot ang mga likas na layuning ito na hindi niya magagawa nang mag-isa. Ang pamilya, na isinilang mula sa mutual na pangako sa pagitan ng lalaki at babae, ang pangunahin at likas na yunit ng lipunan.
Ang political authorities at economic agents ay may layong tiyakin ang kalayaan at mga pangunahing karapatan, tiyakin ang pampublikong kaayusan, at isulong ang kabutihang panlahat (i.e., ang mga kinakailangang kundisyon upang matugunan ang mga materyal at espirituwal na pangangailangan ng mga kalalakihan at kababaihan na bumubuo sa isang komunidad). Sila ay dapat na isailalim sa etika sa paggamit ng kapangyarihan nito.
Naiintindihan namin na ang isang kumpanya ay may pananagutan sa lipunan. Ang paggalang sa mga etikal na prinsipyo, mga empleyado, at komunidad an ay dapat maging bahagi ng pagpapahalaga ng anumang kumpanya. Ang responsibilidad na protektahan ang mga susunod na henerasyon ay gabay namin para isulong ang kapaligiran sa kinakailangang pagbabago sa lokal, rehiyonal, at pandaigdigang antas ng lipunan.
Ang mass media, na mahalaga sa pag-unlad ng lipunan, ay dapat na isulong ang karapatan ng publiko sa impormasyon. Hinihiling namin na sila ay maging malaya, totoo, at may paggalang sa dignidad ng bawat isa.
Ang pagkakaisa at subsidiarity ang mga pangunahing prinsipyo ng kaayusang panlipunan.
Ang pagkakaisa ay bunsod ng responsibilidad natin para sa ating kapwa at nakatutok sa mga nasa laylayan. Ang prinsipyong ito ang dapat na maging inspirasyon ng iba't ibang grupo – sa lokal, pambansa, at pandaigdigang komunidad.
Ang subsidiarity ay ang pagbuo at pagsulong ng malaya at responsableng pagkilos mula sa iba't ibang strata na bumubuo sa isang lipunan (pamilya, bayan, paaralan at mga propesyonal na asosasyon, kumpanya, unibersidad, unyon, asosasyon, atbp.) Ang Estado at ang Administrasyon ay hindi dapat makialam sa gawain ng lipunan maliban na lamang kung ito ay para tulungan at pausbungin ito.
Dahil ang tao ay isang rasyonal at malayang nilalang na kayang magpasya para sa kanyang sarili, tinitingnan namin ang kanyang pakikilahok sa pampublikong espasyo bilang isang pangunahing karapatan para sa pagsulong ng lipunan.
Ang public participation ay hindi pwedeng limitahan sa pagboto lamang. Ang mga asosasyon, mass media, at mga partidong pampulitika ay nararapt magsilbing plataporma para sa pakikilahok ng mga mamamayan. Dito hinuhugot ng CitizenGO ang lakas upang itaguyod ang pakikilahok ng mamamayan. Naniniwala kami na ito ang pinakamahusay na paraan upang maibalik ang dignidad ng "res publica" at upang isulong ang ating demokrasya na maging isang participatory democracy sa mga kampanyang elektoral. Naniniwala din kaming kinakailangan na magbukas ng mga bagong daan para sa pakikilahok ng mga mamamayan upang ang mga politiko at institusyon ay tunay na magserbisyo sa lipunan. Kalakip nito, ang internet at information technology ay mga kasangkapan din upang makamit ang layuning ito.
Inihahayag namin ang mga prinsipyong ito sa buong lipunan bilang isang proposal at hindi bilang isang imposisyon, dahil naniniwala kaming ang mga ito ay mga epektibong paraan upang mapabuti ang kasalukuyang sistema.