Tungkol sa Amin
Ang mga sumusunod na artikulo ay maaari ring maging kapaki-pakinabang sa iyo:
Ano ang CitizenGO?
Ang CitizenGO ay isang komunidad na binubuo ng mga aktibong mamamayan na nagtutulungan gamit ang online petitions at action alerts upang ipagtanggol at isulong ang buhay, pamilya, at kalayaan. Nagsusumikap kaming tiyakin na ang mga nasa kapangyarihan ay iginagalang ang dignidad ng tao at mga karapatan ng indibidwal.
Gusto mo bang baguhin ang mundo? Libu-libong mga taong kapareho ng pananaw mo ang tutulong sa iyo!
Sa online petition platform ng CitizenGO, maaari mong ipadala ang iyong petisyon sa mga gumagawa ng desisyon sa mga lokal, pambansa, at internasyonal na katawan ng gobyerno at mga organisasyon. Dito, sasamahan ka ng mga taong may kaparehong pananaw mula sa iba't ibang panig ng mundo upang ipanalo ang laban.
Saan matatagpuan ang CitizenGO?
Ang CitizenGO ay mahahanap sa iba't ibang bahagi ng mundo. Mayroon kaming mga kampanya sa 12 wika: English, Spanish, French, Portuguese, Italian, German, Polish, Croatian, Hungarian, Dutch, Slovak, at Filipino. Nakakaimpluwensya kami sa mga institusyon, gobyerno, at organisasyon sa 50 iba't ibang bansa.
Ang headquarters ng CitizenGO ay nasa Madrid, ngunit mayroon kaming mga miyembro mula sa 15 lungsod sa tatlong kontinente. Gamit ang "virtual office" at internet, sama-sama naming ipinapanalo ang aming mga adbokasiya. Lahat ng ito ay posible, salamat sa isang malaking network ng libu-libong mga volunteers sa buong mundo.
Paano pinopondohan ang CitizenGO?
Ang CitizenGO ay pinopondohan sa pamamagitan ng maliliit na online donations mula sa libu-libong mamamayan sa buong mundo.
Sa anumang pagkakataon ay hindi tumatanggap ang CitizenGO ng financial support mula sa mga pampublikong institusyon o pribadong entidad. Hindi ka makakakita ng mga ad sa CitizenGO.
Sino ang bumubuo ng CitizenGO?
Ang CitizenGO ay binubuo ng social leaders at experts sa mga tema tulad ng pamilya, kabuhayan, at kalayaan. Kami ay multidisciplinary at nakakalat sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Ang Board of Trustees ng CitizenGO ay binubuo nina Ignacio Arsuaga, Blanca Escobar, Luca Volonte, Brian Brown, Gualberto García, at Carlos Polo.
Anu-ano ang core values ng CitizenGO?
Ang CitizenGO ay hindi lamang naiiba sa mga layunin nito kundi pati na rin sa paraan ng pagsisikap nitong maabot ang mga ito at sa paraan ng pakikipag-ugnayan nito sa lipunan. Ito ang aming mga core values:
- Innovation. Ang CitizenGO ay masigasig sa pagbuo ng mga bagong paraan para makilahok ang mga mamamayan sa pampublikong talakayan. Ang innovation ay nagbibigay-daan sa amin upang mapalakas ang aktibismo ng mamamayan para sa mga naghahangad na magdala ng pagbabago sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng internet.
- Transparency. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay mahalaga para sa CitizenGO. Nais naming maging isang huwarang organisasyon na may puso at pagpapahalaga sa lahat.
- Agility. Mabilis na kumikilos ang CitizenGO sa mga isyung pinakamahalaga sa mga miyembro nito: karapatan sa buhay, kasal at pamilya, kalayaan sa relihiyon, at dignidad ng tao.
- Kredibilidad at Pagpapahalaga. Nagsusumikap kaming maging totoo sa lahat ng ginagawa namin. Kahit na magkamali kami, gagawin namin ang lahat para itama ito. Hindi namin sasadyaing maglathala ng maling impormasyon.
- Kawanggawa. Ang CitizenGO ay naiiba dahil inilalagay nito ang mga tao, ang kanilang dignidad, at ang kanilang potensyal at pagpapahalaga sa gitna ng mga aktibidad nito. Para sa CitizenGO, ang bawat tao ay natatangi at karapat-dapat sa paggalang. Pinangangasiwaan ng CitizenGO ang mga ugnayan nito sa mga grupo (mga komunidad, institusyon, media, suppliers…) na tinatrato ang mga tao bilang malaya at pinahahalagahan na mga indibidwal.
- Independence. Ang CitizenGO ay nagsisilbing resulta ng buong komunidad ng mga tagasuporta at volunteers nito. Hindi ito umaasa sa anumang organisasyon, partidong pampulitika, kumpanya, o lobby groups. At ang kalayaang ito ang nagtitiyak ng kredibilidad at pagiging epektibo ng misyon nito. Ang paraan ng pagkilos ng CitizenGO ay nagpapakita na ang mga pamantayan at desisyon nito ay hindi nakasalalay sa anuman maliban sa komunidad ng mga miyembro nito.
- Passion. Ang CitizenGO ay natatangi dahil sa paninindigan nito. Pinahahalagahan ng CitizenGO ang mga gawain nito. Kumikilos kami para sa kabutihan ng lipunan at ang. Kitang-kita sa paraan ng pamamahala ng CitizenGO sa mga gawain nito bilang kakaibang paraan ng paggawa ng mga bagay.
- Rationality. Ang CitizenGO ay naiiba mula sa iba pang mga grupo dahil sa paghahanap nito ng katotohanan sa pamamagitan ng pangangatwiran at paninindigan. Hindi ito gumagamit ng mga "ideological dogmas" o formulas upang iparating ang pagkilos nito. Lahat ng isinusulong ng CitizenGO ay may batayan sa agham, batas, at anthropology. Dapat makita ng mga interest groups na ang CitizenGO ay isang rasyonal na organisasyon na kumikilos at nakikipag-usap nang may paninindigan.